May tumawag.
From “a multi-national company” daw sya.
Itago na lang natin sya sa pangalang Ms. V.
Ni-recommend daw ako ng aking alma mater.
Tinanong nya kung nagttrabaho ako ngayon.
Ang sabi ko, “opo.”
Nang tanungin kung saan ako nagttrabaho, akala nya sa isang “pure” government office ako.
Tapos, tinanong pa nya na “Do you see yourself working for the government for the next 10 years?*” (Kung mapapansin nyo, kaka-umpisa pa lang ng pag-uusap namin, ganung klase agad ng tanong ang hinirit nya sa akin. And to think sa celfone pa lang yun. Dito pa lang, “turn-off” na ako sa sinasabi nya.”)
Ang sabi ko sa kanya, “This company provides IT solutions, not on government offices alone, but to other private firms.”
Syempre, wala syang na-react kundi, “Ahhh…”
Nagtanong ulit, “At this age ba, are you open to venture into a business?” (Wow noh?!)
Sagot naman ako, “Yes!” (Sagot lang nang sagot, sa phone lang naman eh!)
At eto na.
In-invite na nya ako sa office niya. Meron daw dito malapit sa Equitable Twin Towers…
Sumunod na araw…
Nag-text uli si Ms V sa akin kaninang umaga, siguro para i-confirm ang pagpunta ko.
Ang text nya ay ganito, “Hi (my name). How are you today? (smiley) … “(siya ang kauna-unahang employer na nagtanong ng kamusta ako!)
“…I reserved a slot for you regarding our business appointment…” (may interview bang kailangan ng reserved slot?)
Nag-reply ako ng ganito, “Hi. May I ask, what’s the nature of your company? I wasn’t able to ask you about it yesterday.”
At ang sagot niya ay, “It’s product distribution just like P&G and Unilever.” (not the exact words but the message was something like that.)
Ako, deadma lang, pero marami na akong naisip na hindi maganda about sa “offer” nya.
Matapos kaming mag-lunch ni Fraulein, nag-decide akong puntahan at silipin ang office nila sa sinabi nyang address (since malapit nga lang dito).
First time namin sa bwisit na building na yun.
Buwisit kasi, unang-una, ung selection ng floor ng elevator ay nasa labas ng elevator.
Kailangan pa lang pumindot muna sa may labas ng elevator bago sumakay dito.
First time namin so hindi namin alam, nalaman na lang namin nung naka-pasok na kami ng elevator.
Mabuti na lang at may pupunta sa mejo higher floor.
Bumaba kami dun sa pinakamalapit na floor at binalak na mag-hagdan na lang since isang floor na lang naman ang pagitan.
At ang buwisit nilang fire exit ay papasok lang pwede, hindi pwedeng palabas.
So mejo kabado na kami ni Fraulein kasi baka di na kami makalabas dun kahit pa bumaba pa kami sa 1st floor (by the way, nasa 20+ floor kami nun).
Mabuti na lang at may “anghel” na dumating at nakalabas din kami agad dun. (Salamat sa kanya, our hero!)
Balik tayo sa kwento ko talaga…
At pagpunta na namin dun sa talagang pupuntahan namin, kami ay nagtaka dahil wala dun yung pangalan ng company na sinabi sa akin.
Ang sabi ko, “Talagang manloloko yung loka lokang si Ms V ah!”
Pagkabalik namin ni Fraulein sa office, agad kong tinext si Ms V ng ganito, “Hi. I went to (company address) and I didn’t see (company name) as what you’ve told me yesterday.”
Nagreply sya ng ganito, “There’s no (company name) there, we are using the facility of (other company) for the appointment later.”
Nagtanong ako kay Ms Lynda, ang sabi nya, Networking nga daw talaga yung (company name).
Nag-reply ako kay Ms V, ang sabi ko, “I think I know what the offer is all about. I regret to tell you, but i’m not into networking or product distribution. Please don’t expect my attendance later.”
Medyo nagalit si Ms V at ang-reply ng ganito, “You’re wrong. The nature is not about networking. But with that kind of attitude, I DON’T LIKE TO WORK WITH PEOPLE LIKE YOU. Good luck with your endeavors.”
Mejo makapal lang talaga ang pagmumukha nya, ano po?!
Kaya ako’y sumagot ng ganito, “The feeling is mutual!”
With this, I have some reminders in choosing your possible “future” employer.
1. Pag tawag niya sa iyo, dapat nagpakilala na agad siya at sinabi agad sa intro pa lang, kung saang company siya galing.
2. Kapag mejo negative agad ang mga statement/question nya (like *), dapat ma-discourage ka na agad.
3. Walang interview na kinakailangan pa ng reserved slot. Ano un, sinehan?
4. Wag papadala sa mga offer nilang “too good to be true.”
5. Walang matinong company na nagsasabi agad sayo ng parang ganito, “magkakapera ka sa company namin.”
6. Pag alam mong hindi mo in-apply-an, hindi ka dapat maging interesado.
7. Kung first time mong maririnig ang company name nila, subukang hanapin sa internet ang official website nila. Sa panahon ngayon, mas marami nang company ang may website kesa sa mga wala, lalo na ang mga IT company.
8. Hindi dapat nag-cocompare ang isang employer ng nature of business nila with other companies.
At,
9. Hindi nangagamusta ang mga employer sa text message! Pakialam nila sa kalagayan mo?!
By this time, may iilan nang tao sa YM list ko ang nagtanong tungkol sa company na ‘to. Sana ay hindi din kayo magpapadala sa isang lukaret na katulad ni Ms V.